Sa probinsiya... pinapasok ako kahit elementary pa lang ako.
may kwento ako. sa probinsya namin (ilocos norte), may isang lumang simbahan. binomba ito ng mga hapon noong world war 2 (na-reconstruct na sya ngayon at ginagamit na ulit). tuwing summer, umuuwi kami sa ilocos para magbaksyon. bata pa ako noon, kainitan ng flordeluna sa channel 9
isang araw, may nagsabi sa amin na nagsu-shooting si janice de belen sa lumang simbahan. sugod naman kami ng mga kapatid at kalaro ko. pero ang inabutan namin mga artistang di pa kilala sa probinsya. (remember, walang cable noon at internet, circa 1978-79.) kaya disappointed kami. nageensayo sa elevated platform sa gitna yung bidang lalaki. yung bidang babae nakaupo sa tabi ng direktor. yung direktor nag-iilokano pa, sinasaway kaming mga nanonood ng shooting. naka "LT" t-shirt sya (short for lorna tolentino).
pagkalipas ng ilang buwan mula nang makabalik kami sa maynila, nagulat na lang kami. sa tv at fan magazines, nandoon yung mga nakita namin sa lumang simbahan. sikat na sikat na.
nalaman kong dina bonnevie pala ang pangalan ng bidang babae at si alfie anido yung bidang lalaki. si joey gosiengfiao yung direktor na naka-LT t-shirt. at katorse ang pamagat ng kinunang pelikula sa lumang simbahan namin sa ilocos norte.
kaya ayun, lumaki akong naging tagahanga ng regal films at regal babies