was looking for a bang-for-the-buck TV since my 55-in Toshiba conked out. repairable pa naman kasi LED backlight daw problem but basic full HD LED lang kasi yun kaya naisip ko na palitan na din.
limited lang budget ko, ayaw ko din gumastos ng malaki kasi para sa Dining area lang naman itong tv. last week may nakita ako sa Abensons, 50SUD6600 model. on sale sila nuon, and 22.9k ang price pag straight card or cash, wala na ibaba pa kasi sale price na daw talaga. ngayon eh nasa 25.5k na price nila.
2021 model na ito and ok naman specs, 4K UHD, HDR10, Android 10, Dolby Audio, DTS and Google Assistant na pwede mo na gamitin voice command pag turn on/off ng TV, launch apps, set volume, etc. too bad hindi IPS yung panel nung 50", yung 55' and up lang daw.
PQ is very good lalo na pag Netflix and YouTube 4K, comparable sa 1-yr old Samsung Smart TV 4K ko. yun lang, not sure kung dahil hindi ito IPS eh yung black levels eh may pagka grayish, halata pag dark scenes pinapanuod. or hindi ko lang makuha ang tamang timpla pa ng picture. pero kasi sa samsung ko eh mas dark talaga eh.
ang nagustuhan ko eh yung android 10 na off the box. yung mga apps ko like VPN, SlingTV, HBO Max and Disney+ eh madali na install. convenient kasi no need to use MiBox na. hindi ko na muna installan ng Kodi kasi limited lang storage nito, 4GB lang usable.
overall happy naman ako, kasi pang Eat Bulaga lang naman dapat ang tv namin sa Dining area haha. may ISDB-T tuner na din pala ito kaya no need na ng tvplus or affordabox.