Mga pare pwede sumali? Kita kayo sa google e.
emphaty - no place in the process of evolution
Hm. Parang tournament sa DotA ang evolution. Tapos tayong mga tao ay weak na mga heroes. Tanggal agad tayo sa kompetisyon kung di natin tratratuhin nang matino mga teammates natin.
Try mo i-solo ang isang oso o leon. Syempre mas mababa chance na manalo ka kung mag-isa ka lang. (Bawal kanyunin yung oso syempre. Lokohan na yun.)
Tsaka "survival of the fittest"? Di "by individual" ang survival of the fittest. Superman ka nga e wala ka naman asawa, pano mo mapapasa genes mo nun.. By group yun.
Tignan mo ginagawa natin sa ibang mga hayop. Para bang ininiyakan ni aling tindera bawat katay na baboy na binebenta nya sa palengke a.. Ilang gubat na ba inagaw natin sa ibang mga hayop.. Yun survival of the fittest.
Kung explanation gamit evolution edi:
"Mga weakling dapat may empathy para magtulungan. At syempre, di applicable** ang empathy na yun sa ibang species."
**baka sabihin mo mga pusa o aso. Tuloy ko na lang next post kung gusto pa.